Search Here



Tuesday, January 6, 2009

Unang kwenthoughts

Unang nilabas nang mga pangunahing pahayagan ngayong taon ang digmaang ngayon ay nagaganap sa gitnang silangan. Itoy sa pagitan ng mga Palestino sa Gaza at nang Israel. Ang kasaysayan nang agresyon sa pagitan ng dalawang nasabing bansa ay malalim at masalimuot upang aking ilathala pa sa mga pahina ng blog na ito.

Kung gusto mo malaman ang buong pangyayari ay i-click mo ang link na ito.

Marahil dahil narin sa superyor na kakayanang militar ng Israel ay hindi naging mahirap sa kanila ang makapag-desisyong gumamit nang pwersa upang maisailalim sa anilang reporma ang mga Palestino.

Ayon sa mga Israelito, ilang ulit na nilang pinagsasabihang ihinto na ang patuloy na opensibang gerilya na isinasagawa nang mga militanteng Palestinong grupong Hamas. Di umanoy pilit na naghasik ng terorismo ang mga nasabing militante gamit ang mga "surface-to-surface rocket armaments" sa mga pamayanang nabibilang sa teritoryong timog Israel.

Ang nasabing alitan ay ang itinuturong ding dahilan nang patuloy na pagtaas nang halaga nang angkating langis bagkus sa pagbaba ng presyo nito sa $28+ kada bariles nito lang Disyembre 9. Ang pinakamalaking katanungan ngayon ay kung ang nasabing alitan ay isa sa mga pakana nang Estados Unidos upang ma-ibaling sa iba ang mga usaping dulot ng patuloy na lumalalang kisis sa pandaigdigang ekonomiya.